Sa aking pagninilay sa nakaraan
Napagtanto ko ang malaking kaibahan
Hindi lang sa aking pangangatawan
Maging sa ugali na kinalakihan.
***
Pinaglaruan ng tadhana
Karanasang hindi maganda
Katatagan sinubok pa
Pagkatao nagbago bigla.
***
Sarili ngayon ay hinahanap
Maging ang ibang tao hindi ito mahagilap
Sapagkat patuloy na nagpapanggap
Sa mundong hindi ako tanggap.
***
Binago ng karanasan
Nakakalito at hirap paniwalaan
Ngunit hindi nito matatakpan ang katotohanan
Ang dating kilala mo noon hindi na ngayon.