Cherreads

Chapter 5 - Agos ng Pag-ibig

Tayo'y dinalan ng puso ng hangin

Upang ipahayag ang ating damdamin

Minsan naiiba man ang direksyon

Pero tayo'y tatangayin sa iisang destinasyon.

***

Kasing dami man ng buhangin sa baybayin

Ang unos sa buhay na ating kakaharapin

Kahit maliit na isda ay kayang lumaban sa mas malaki pa nito

Dahil sa pag-ibig walang anuman ang makakatalo.

***

Tayo'y naglalakbay sa mahabang kalsada

Hindi man alam kung hanggang saan mapupunta

Ang mahalaga magkasama tayong dalawa

Habang tinatahak ang mundong sa ating itinilaga.

***

Malayo man ang narating ng ating tadhana

Tayo'y balik na kung saan tayo nagsimula

Pero ang pinagsamahan nating dalawa

Iyon ay mananatiling alaala ng bawat isa.

More Chapters