Langit ngayon ay umiiyak
Malakas na bahang bumubulwak
Dahil kalikasan ay unti-unting winawasak
***
Ayan tuloy buhay ng iilan ay napapahamak.
Dating ganda naglaho lang bigla
Bawat hagulhol ng ibon na nakatira
Pighating dumadaloy sa bawat isda Lahat 'yan tao ang may gawa.
***
Nagsisilakihang mga imprastruktura
Pinapalit sa bawat punong tinutumba
Mga bundok na minimina
Para sa matatanggap na kaunting barya.
***
Minahal tayo ng kalikasan
Binigyan nila tayo ng ating pangangailangan
Ngunit dahil sa nagawang kamalian
Dulot nito'y kapighatian ng kalikasan.
***
Huwag puro sarili ang isipin
Huwag puro pera ang pairalin
Minsan puso din ang gamitin
Para sa magandang hangarin.