Cherreads

Chapter 1 - Chapter 1: LIHIM NG KIDLAT

Sa isang mataong barangay sa lungsod ng Parañaque, namumuhay ang isang tila ordinaryong binatang si Mark Elías—tahimik, matalino, at palaging nasa likod ng classroom. Ngunit sa likod ng kanyang simpleng anyo, may tinatagong lihim: siya ay isinumpa at pinagpala ng sinaunang kapangyarihan ng Kidlat ng Maykapal.

Hindi ito alam ng sinuman, kahit ng pinakamalapit sa kanyang puso—ang kanyang inang si Tita Shelia, isang hard-working single mom na palaging pagod sa trabaho ngunit laging may oras para sa kanyang anak.

Isang gabi sa loob ng maliit nilang bahay…

Sheila: "Anak, kumain ka na. Galing akong trabaho, may niluto akong paborito mong sinigang."

Mark (lumapit at ngumiti): "Salamat Ma. 'Di mo na sana pinagkaabalahang magluto, pagod ka na."

Sheila (umupo sa tabi niya): "Anak, kahit gaano pa ako kapagod, basta ikaw... hindi ako napapagod."

Mark (nahinto sa pagkain, saglit na tahimik): "Ma… kung may mga bagay na hindi mo maintindihan sa akin… tatanggapin mo pa rin ba ako?"

Sheila: "Anak, kahit ano ka pa—ikaw pa rin ang anak ko. May tinatago ka ba sa 'kin?"

Napatingin si Mark sa labas ng bintana. Kumidlat sa malayo.

Mark (mahinang boses): "Wala po, Ma. Pagod lang sa school."

Ngumiti lang si Sheila, ngunit kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

KINABUKASAN SA ESKWELAHAN:

Habang naglalakad si Mark papuntang klase, sinalubong siya ng kanyang matalik na kaibigan—si Althea Ramirez, ang bibo at maganda nilang class president. Palaging maingay, palaging masayahin. Pero iba kapag kasama si Mark—parang humihinahon siya.

Althea (nakangiti, may hawak na kape): "Uy! Mr. Serious! Gising ka na ba? Eto oh, dala kita kape."

Mark (nakangiti ng bahagya): "Salamat... Hindi mo naman kailangang..."

Althea: "Gusto ko eh. Para naman mapansin mo ako minsan."

Nagkatinginan silang dalawa. Saglit na katahimikan. Natawa si Althea at kumaway bago umalis.

Sa loob ng klase, biglang pumasok si Ma'am Clara.

Ma'am Clara: "Class, listen up! May announcement ako. Excited kayo? Magkakaroon tayo ng educational field trip... sa Capiz!"

Napa-react agad ang buong klase.

Lorenz (ang sikat na bagong transfer student): "Whoa. Capiz? 'Di ba may mga aswang daw dun?"

Andrea (ex ni Mark, na ngayon ay kasama na ni Lorenz): "Scary, pero fun! Let's go, babe!" (sabay akbay kay Lorenz)

Nagkatitigan sina Mark at Andrea. Pero agad siyang nilapitan ni Althea.

Althea: "Mark… sama ka na please. Minsan lang 'to. Gusto ko… gusto kong makasama ka."

Tahimik si Mark pero ngumiti. Sa kabila ng sakit ng nakaraan, unti-unti nang sumisibol ang bagong damdamin.

SA GABI SA KANILANG BAHAY:

Naglalagay ng ulam si Tita Shelia sa mesa habang pinagmamasdan si Mark na tila may malalim na iniisip.

Sheila: "Anak, parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?"

Mark: "Ma, may field trip kami. Sa Capiz po. Gusto ko sanang sumama."

Sheila (natigilan): "Capiz?"

Mark: "Oo, Ma. Two weeks lang naman. Hindi mo na kailangang mag-alala."

Tumahimik si Shelia. Nakatitig lang sa kanyang anak. Dahan-dahang naupo.

Sheila: "Alam mo bang… dun ako lumaki."

Mark: "Talaga po? Pero bakit hindi mo kailanman binanggit?"

Sheila (nakakunot ang noo): "May mga alaala kasing… mas mabuting huwag nang balikan. Pero kung talagang gusto mong pumunta…"

Mark: "Gusto ko, Ma. Pangako, mag-iingat ako."

Hinawakan siya ng kanyang ina sa kamay.

Sheila: "Mark, tandaan mo 'to... Hindi lahat ng ginto ay kumikinang. At hindi lahat ng tahimik ay ligtas."

LIMANG ARAW MAKALIPAS:

Isang bus ang bumabaybay sa highway, sakay ang 50 estudyante. Masaya, maingay, punong-puno ng selfie at tawa. Ngunit sa dulo ng bus, si Mark ay tahimik, pinagmamasdan ang kalangitan na tila may kakaiba.

Muli na namang kumidlat. Ngunit walang kulog. Walang ulan.

Tumitig si Mark sa kanyang palad. May bahagyang liwanag. Isang bulong ang narinig niya sa isip:

"Panahon na..."

TO BE CONTINUED IN PART 2...

More Chapters